Sino si Dimacalimot?

Si Dimacalimot ay isang manunula mula sa Maynila, Pilipinas. Sa kasalukuyan, siya ay naninirahan sa isang tahimik na lalawigan sa kanlurang bahagi ng isla ng Hokkaido, Nihon.

Sa pagitan ng mga alaala, paglalakbay, pag-ibig, pangungulila, at mga salitang hindi kailanman naiparating, isinusulat niya ang mga piyesang nagsisilbing tahanan ng mga gunita.

Mga liham na hindi ipinadala. Mga salitang naiwan sa papel. Mga kuwentong naghihintay na marinig.